04 September 2010

Ang Sarap Magging Blogger!

At muling nagbabalik si BoyAcads! Namiss nyo siguro ako no? Actually wala naman nakakapansin talaga na di na ako naguupdate except sa girlfriend ko at si Kuya Anton. Siguro nagtataka kayo kung bakit Prelim exam week namin at nakakapag blog ako no?  Syempre bakasyon au grande ako ngayon..maraming salamat sa aking German measles na akala ko nung una ay allergic reaction lang (pasosyal kasi eh.. allergy daw)

Waw ah.. every year na lang may sakit akong viral.  Suki na yata ako ng UST Health Service pagdating sa mga infectious diseases. Lagi nalang Acute Viral Exanthem ung nasa reseta. At masama pa, laging muka ko ang natatamaan ng beke,bulutong o tigdas. WTF diba? But please.. not the face! Spare the face!

Naalala ko last year, sobrang depressed ko kasi tila nagging uncemented road ang muka ko dail sa dami ng bakubako. Siguro ung theme song ng mga bulutong ko non ay ung "Breaking Free" ng High School Musical sa sobrang dame. Di ko talaga kinaya yun. Dun ko na lang naexperience na gawan at implementan ng sariling Nursing Care Plan ang sarili ko. Dyahe diba?  Pero ok na ngayon, pogi parn naman diba?

Dahil sa sobrang ka ep-s ko, minsan sa bahay pa lang ina-assess ko na sarili ko using the knowledge that I have earned. (Me ganun?) Bago pa ako pumunta sa clinic, may diagnosis na ako na ako mismo gumawa. Parang for confirmation na lang talaga para makakuha ng medical certificate. Parang nung thursday, pumunta ako sa clinic at sabi ko lang, "may measles po yata ako". Pero sa loob looban ko medyo sure naman ako na measles nga iyon. Todo explain pa si doktora kung ano sakit na yun pero ok naman, magaling naman sya magexplain. Pero sa isip ko, sinasabi ko nang "I know riigghhht!?!" habang nageexplain sya kung bakit di ako pwede lumapit sa buntis at kung bakit kelangan taasan ko ang oral fluid intake.


Nagdaan ang dalawang araw, at ang isolation for 7 days instruction ko ay medyo hindi nagging isolation dahil nakipagmeet ako sa mga bloggers. Sina Kuya John, Ate Anna, Kuya Rico, Ate Kaitee, Kuya Jepoy, Kuya Glenn, at Kuya Anton. Ayun kain kain, kwento kwento, lakad lakad. Sarap talaga pag libre! :)

P.S.: Nais ko po magpasalamat kay Ate Ana Crispino at sa kanyang asawa sa pagsponsor sa akin ng NBA fully loaded meal at mga chocolates na galing Saudi. Naway di po kayo magsawa sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan. Joke lang po :)

5 comments:

  1. oi Jaypee---tenext kita. snob ka lang talaga. hmmmp

    @ Rj--- di naman German measles yun e---bungang araw lang e. ay sandali---bat parang me mga butlig butlig nako, nahawa ata ako waaaahhhhh.

    isa pa---bat yan ang pic? palitan, palitan. wala ako dyan. amp

    ReplyDelete
  2. @jaypee - grabeee.. si anton nagtext daw oh :0 sisihin si marvin gasparrr!

    @anton - hala. baka nahawa ka na :) dali sendan mo kasi ako ng picture!

    ReplyDelete

Let me know what you think. :)