Dear Tita P,
Kamusta ka na? Matagal na tayong di nagkita ah, hindi narin kasi pinapapasok kaming mga alumni na napaglipasan na ng panahol sa school mo, pero oks lang, at least natatanaw parin namin kahit papano ang campus mong parang naging city jail lately. Minsan napapaisip nga ako kung kailangan pa naming mag emote ala “Etoo akoooo basing basa sa ulaaann, walang masi singulggaaan..” para lang papasukin kami. Ayos lang din, at least alam namin na sa security purposes napupunta ang tuition fee namin dati.
Uyy... I’ve heard ah, bongga na daw ang school ngayon, may spy cam na daw para mahuli ang mga nagpi-PDA. Ayus yan ah, next time gawin mo nang ala PBB yan. Tapos ung mga nagpi-PDA ang mga housemates. Tapos lagyan mo ng option na Vote to Save at Vote to Evict. Pag naevict ka, syempre PEG na ang PD grade nila. Saya nun!
Kamusta naman pala ang klima dyan? Dito umuulan ulan na. Wag ka masyado maglalalabas ah, baka abutin ka ng ulan at ginawin. Ay mali, hindi ka naman pala giginawin kasi laging bonggacious ang mga suot mo, lalu na pag graduation at President’s day. Grabe kaya ang fashion sense mo! Minsan nga ikinukumpara kita kay Lady Gaga eh, kaso syempre mas tame naman yung suot mo kahit papano. (BTW, napanood mo nab a ung Alejandro music video nya?) Pero grabe ka rin, kasi I can still remember nung President’s day na tila piniprito na kami ng araw, napakasaya mo pa magspeech nun porket na lilim ka at habang binasa mo ng napakarahan ang speech mo. Pero ang pinakamalupit sa lahat ay ang iyong pagiging bilingual pag naspeech ka, ung parang sasabihin mo: “Good afternoon to our dear parents… teachers…. and guests.” Tapos uulitin mo pa ito ng “Magandang hapon sa mga magulang…mga guro…at mga panauhin”. Minsan try mo rin mag Korean translation kasi dumadami na kasi ang lahing ito sa school mo. Over!
Naalala ko pa nung gumradweyt ako ng hayskul. Feel na feel ko yung presensya mo nun habang kasama ko din ang aking mga batchmates kahit recorded lang mula sa isa pang graduasyon ang speech mo samin. Filing nga naming naglalaro kami ng Ouija board eh, parang ispiritu ka lang kasi na nagsasalita nun.hehe
Nga pala, miss ko na ung iba’t ibang mga Montessori ways. Aminin ko lang nung primary pa kami, minsan naiirita ako dun kasi andame pang steps eh uupo ka lang naman (arte much?), plus badtrip pa kasi napapagalitan pa kami sa Grade 2 teacher ko pag maingay kami tumayo sa upuan, kaya ulit nanaman kami uupo nun kahit kakatayo lang namin, kaya tuloy lagi kami nahuhuli pag snack break eh, lagi pa kami nauubusan ng burger.
Naalala ko pa nung nasa high school naman ako, may project sa TLE na hindi ko talaga makuha ang point. Actually, sikat na sikat ito sa school mo sa pangalang “Scrapbook” na kung saan binibigyan mo rin kami ng istandardized na font, pictures, at content. Di ko talaga magets ang point na kung bakit kailangan parepareho kami ng laman ng scrapbook. Ano kame, factory ng TLE scrapbooks? Grabeeehhh…
Pero infairness, marami talaga akong natutunan sa school mo ah. Keep the good work!
Nagmamahal,
R.
P.S. Lagi kong pinagmamalaki sa mga classmate ko ngayong college ung column mo tuwing Thursday. Syempre bongga nanaman ung picture mo nun with the cap and you ever infectious smile.
FUNNY!! agree!! haha TRUE TRUE!! LIKE..:)) nice one, R.. haha keep it up! :D
ReplyDeleteHAHA.. FUNNY!! TRUE TRUE.. LIKE!! :)) nice one, R. :)) keep it up! :D
ReplyDelete-A :))
kala ko ako na una nagcomment..naks proud na proud kay tita p.hehe. nwei nice post ..ang gnda ng structure
ReplyDeleteayan nanaman ung mga generic comments.haha :)
ReplyDeleteparang ang slow ko ata---di ko nagets.sinu kaaway mo Rj? hehe
ReplyDeletebaka pag nabasa nya to, ma-touch naman si Tita P. haha.
ReplyDeleteReally nice! (<--generic to) :))))
naaalala ko tuloy yung teacher ko sa math nung high school. di ko nirerespeto. namatay na sya last year. :(
p.s. first time ko pala magcomment. nice blog! (<--eto din generic)
haha! baka mabigyan pa ako ng libreng feature sa philipine star kung nagkaganun.haha
ReplyDeleteat least nalungkot ka parn nung namatay sya. :)
nanung atin keni? inuman? hehe
ReplyDeleteinuman nanaman!haha :)
ReplyDeleteI like this post. Funny and cute.
ReplyDeletehttp://ficklecattle.blogspot.com/