27 October 2009

Happy Trip Home!


May nakasabay na ba kayong taong sobrang weirdo sa jeep? Itago natin sya sa pangalang "Mr.Propeta". (Actually, hindi ko rin alam ang taotoong pangalan nya eh, pampaganda lang ng kwento kung ba ga.hehe)

Pag kasi pauwi ako from school, sasakay pa ako ng jeep. One ride lang naman from UST papuntang Laon Laan. After a busy day of school, dumerecho na ako pauwi kasi marami pa talaga gagawin para bukas. Nang nakasakay na ako, napansin ko may isang lalaki, mga nasa late 40's na siguro sya, maayos naman ang suot, naka polo at slacks pa nga, ung para bang pastor kung manamit.

Sabi nya, "Maniwala kayo sakin!"

Akala ko may kausap syang isa ring pasahero so dinedma ko lang, punong puno kasi ung jeep nun. Pero napansin ko, bakit parang walang sumasagot sa kanya. Hmm... dito na ako nagtaka. Naalala ko kasi dati may sinabi si Sir Joey (prof ko sa CHN) na meron daw gumagalang lalaki sa may Manila tapos nagaanounce sya na magugunaw na daw ung mundo at kung anu anu pa.

Sabi ko sa isip ko, "Nako, sana ung kasabay ko sya na ung sinasabi ni sir! Kakaibang thrill ito pag nagkataon."

At tama nga ako, ito na nga ata sya.

After a few minuites nagsalita na sya ng nagsalita at eto ang kanyang mga propositions:

1. Galit daw si God sa mga scientists kasi pilit nilang tinutuklas ang di dapat tukasin ng mga tao
          - Waw galing naman ni kuya, pati un alam nya.hehe
2. Pagnapunta sa heaven ang tao, magiging kasing talino na sila ni
          - Eto pa.hehe Andame nyang alam! Google ba sya?hehe

3. Natatakot daw si God malaman ang nasabi sa no.2
          - Eto pa ulit.

4. Siya daw ay isang propeta
          - Edi sige propeta na sya

5. May sinabi syang passage sa bible na napakahaba at di ko na nasundan
          - Sorry ha, masyadong mabilis ung sinabi nya hindi ko na naisulat (at talagang sinulat ko ung iba.haha) Kasi naman hindi ako nagpepay attention.hehe Pero infairness, nagbabasa sya ng bibliya, memorize pa nya ung verse. Hindi ko lang alam kung anong bibliya yun.

6. Hindi daw mainit ang araw.
          - Kaya pala pinagpapawisan ako sa init pag bumibilad sa araw eh..

7. Ang init ng mundo ay nangagaling sa mga bagay sa mundo, hindi dahil sa araw.
          - Hindi ko alam eh.haha

8. Malamig daw sa space kaya hindi makakatravel ang heat kasi vacuum nga naman daw ito
          - Hindi ko pa natry pumunta dun sa space eh..

9. Mali daw ang simbahang Katokilo
          - Sinasabi ba nilang sila ang tama?

10. Tama raw ang Jehova's Witness
          - Kanya kanyang interpretations o pananaw naman yan kuya eh...

11. Flat daw ang mundo
          - At infairness, may visual aid pa sya na karatulang pinakita samin. May formula pa nga eh, kaya hindi ko na masyado tinignan nakakatakot ang mga numbers.

12. Gusto nya tumakbo bilang Senator
          - I have a suggestion! Ba't di nalang Presidente?haha


Nakakatuwa talaga.. ang adik ni Kuya.hehe


...pero WHAT IF.. totoo nga ang mga sinasabi nya? Anong gagawin mo? Kahit na parang medyo out of this world sinasabi ni kuya, dapat parin natin siyang pakinggan. Pero enjoy talaga ako, sana maulit muli =))

No comments:

Post a Comment

Let me know what you think. :)