23 October 2009

Procastination at the Central Library

So last day na tomorrow ng exams. Kanina exam ko sa MicroPara, di naman ganun kahirap ung exam compared sa mga mega-super-hyperhirap na quizzes ni Maam Albano. (Yes, I'm referring to the powerpoint quizzes,na kung saan todo nasestress ako dahil sa time at sa huli namemental block lang) Oh well, tapos na rin yun. No point of crying over spilled milk. Mahirap lang naman talaga mag identify ng difference ng mga egg ng mga Enterobius vermicularis, larva ng Fasciola hepatica at kung anu anu pang mga microorganism. Hindi ko naman siguro  masyado magagamit yun sa pagigging nurse ko no. Hindi ko naman ichachart sa Nurses Notes na "Awake,Coherent, Oriented to 3 spheres with Wuchereria bancrofti infection noted on left arm." O.A.na siguro yun. No comment naman ako sa professor ko, magaling naman kasi sya kaya okay na rin kahit papanu, at least natututo ako.

Eto pa nakakastess. Usually pag may exams, maaga dumadating mga classmates ko para magaral. Dun lang sila sa may pav sa harap ng bulding tapos nagtatanungan sila. At yan ung isa sa mga pinakanaiistress ako. Para kasing nasa Game ka na ba? sila kung maka tanong at makasagot, kulang na lang ung buzzer at ung pot money.HAHA. Nakakadepress talaga pag ganun tapos di mo alam ung sagot, di ako makaride..haha

Hayy.. at least tapos na rin ang isa sa mga dreaded subjects sa Nursing, ang MicroPara, hindi naman pala sya ganun kahirap, mas mahirap pa ung Chemistry nung first year. Dun kasi, kahit mag aral ako, bumabagsak pa rin eh. Ung parang wala kang siguradong sagot sa scantron mo. Basta, at least tapos na sya, "Hello Pharmacology!" naman kami next sem.

Pero sa tinggin ko, hindi aabot average ko ng 1.75 this sem. =/ Kahirap na kasi ng mga subject ngayon. Dagdag pa ung OB at Pedia as major subjects. Okay naman grade ko dun, kaso hindi lang ganun kataas. Ay, pati Nursing Informatics din pala. Pero infairness, naka 95 ako nung prelims. Bagyo na kung bagyo.haha Tama lang un, at least nakabawi na sa line of 7 ko na grade nung monthlys..at the best parin talaga si Sir Dicioco.hehe

Andame ko nanaman kwento. Kasalukuyan pala akong nasa Central Library, Science and Technology section. At talagang shinare ko pa yun. Anyway, hInihintay ko na nga lang sabihin ni ate na student assistant, "No.4, please log out."HAHAHA Kamon!  Sana naman magsmile sila minsan, parang ang sungit kasi nila eh. No offense sa mga studnet assistant sa lib.

Oppps... may exam pa pala ako bukas. Grr.

No comments:

Post a Comment

Let me know what you think. :)