02 November 2009

Funny Encounters with professors!

Well, eto nanaman ako, since mababa grade ko sa Filipino, napagisipan kong isulat sa Filipino and aking "blog". Kase naman 85.6% lang ako dun eh... kumpara sa grade ko sa Ingles na 92.6% diba nakakahiya? ako mismo ay isa sa mga patunay na humihina na ang pundasyon ng mga magaaral sa sariling atin. Tsaka mejo dumugugo na kasi ilong ko eh.hehe :)

Ako ngayon ay magbabahagi ng mga nangyayari sa aking buhay Tomasino.


Yan si Maam Irma professor namen sa subject na Theoretical Foundations of Nursing,Dr. Irma Bustamante RN,PhD, nagtapos ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas at kumuha ng Doctorate degree sa Unibersidad ng Pilipinas, isa siya sa mga paborito kong professor . Para kasing may ability siya na mapadali ang subject nya kahit sangkatutak un imememorize mo. Sobrang bait pa nya. Naku,bka sabihin nyo sumisipsik ako sa prof ko ah. Sadya lang ako nabibilib sakanya isipin mo, may sarili siyang TEORYA! tungkol ata un sa pagaabuso sa mga babae. Nagturo narin siya sa ibang bansa at kilala nya un ibang mga First Nursing Theorists kaya todo bilib ako kay maam. Ayan oh,nasa libro pa siya...

Ayun si maam oh! katabi ata ni Patricia Benner.hehe



Magkwento nman ako sa Theology Prof ko, nagquiz kase kame nun,tpos nag checheck na kme ng paper. un sagot ko sa no.17 ay "Palecia" pero un tamang sagot "Palencia"

RJ: Sir, iconsider nyo na po, di ko lang po nasulat un "n" kase nagmamadali na po ako nun
Theo Prof: No.

Eh ako naman na isang pilosopo minsan, naisip ko na walang perpektong nilalang sa mundo,

RJ: Sir, I'm only human! I also make mistakes! (kahiya tlga kase may mga classmates ako na nakarinig nun)
Theo Prof: (natawa..) ok. consider!

Wahaha... ansaya ng ganun noh?

No comments:

Post a Comment

Let me know what you think. :)