28 December 2009

Tipid Tips: Living in a Dormitory

Presenting! The BoyAcad's Tipid Tips on Living in a Dormitory! Syempre napakahirap magbudget pag nakatira sa isang dorm dahil nakakatempt kumain sa labas at bumili ng pagkain, at syempre andyan ang mga nagaayang uminom na mga nakadorm rin. Kaya eto na, I present to you my Tipid Tips!


1. Kapag ubos na ang ketchup o kahit anong condiment at parang wala nang lalabas dito. Hawakan ng mabuti ang bote nito at ipa-ikot-ikot ng mabilis habang nakatumba. The centripetal force acting on the bottle will allow the residue to gravitate towards the bottle opening. Ayos diba? But wait, there's more! Kapag wala na ulit lumalabas, lagyan ito ng approx. 10ml (may vary depending on the circumstance) ng tubig  at i-shake nang mabuti.


2. Sa toothpaste naman, kapag wala na ring lumalabas. Hanapin ang martilyo at pitpitin ito nang mabuti. Pag wala na talaga lumalabas, gupitin ito ng 3 times, isa halfway, isa bago ung parang labasan, at isa sa may tail tapos gamitin ang daliri para kunin ang sinimot na toothpaste at ipahid sa iyong toothbrush.


3. Sa shampoo, ganun din i-dilute ito ng mabuti. Sa sabon naman, pagdikitdikitin ang mga tira upang makabuo ng malaking sabon, mas okay pa kung multicolor ang sabon mo, may green, may pink, parang rainbow. or better yet, magpakalbo ka na lang. kaso dagdag gastos din ung pagpapagupit, kaya wag na lang rin.


4. Kapag naihi sa kalagitnaan ng tulog, huwag ng buksan ang ilaw ng CR. Tantiyahin na lang kung nasaan ang inidoro. (This takes considerable practice.)
 
5.Wag magcharge ng cellphone, psp, ipod, digicam, laptop at kung anu-anong equipment sa dorm, istead dalhin ang charger sa school at doon mag charge. Para saan pa ang binayad mo sa tuition, diba?
 

6. Iwasang magprint ng marami sa inyong mga printer (kung meron), mahal ito pag nawalan ng ink, instead, pumunta na sa nearest outlet ng mga piso printing. Pwede ring gawin mong fast draft ung setting. Pero kung tag hirap ka talaga, isulat mo na lang ng mano mano.
 

7. Wag mag toothbrush bago umalis ng bahay, pag dating sa school dun na mag toothbrush ,gayun din sa hapon, bago umuwi, magtoothbrush na rin para di na mag tu-toothbrush bago matulog. Pwede rin magamit ito sa pag ligo, kung may facilities ang school nyo diba. Sayang naman ang binabayad sa tuition.



8. Magdala ng malaking water jog, para kung may water dispenser ang school nyo, dun na lang kayo kumuha kesa bumili pa sa labas. Free-refill pa, kahit ilang beses.  Just remember na  ireffill ito ulit bago umuwi para di na maubusan sa bahay. Para saan ulit ung binayad nyo na tuition di ba?


9. Dahil libre ang mga ordinaryong gamot sa school clinic or health service, araw araw humingi ng mga gamot at siguradong makakaipon ka rin ng botika sa loob ng isang taon.

10. Mahal ang bayad sa internet kaya dapat gumawa ng mga emails, makipag chat, mag browse sa school na mismo, meron naman ata computer room ang lahat ng university.



11. Kung napagsaraduhan ka na ng computer room/library nyo, pumunta lamang sa mga internet cafe na nagbibigay ng piraso ng papel na may lamang code. Ang gawin mo, punta ka sa cafe at simulang magpulot pulot ng mga papel na iyon, at itry mo lahat ng code hanggang bumingo ka. Syempre, wag papahalata. 


12. Sa paglalaba naman, kung wala ka talaga choice at di ka makapaglaba, tiyakin na gamitin muna ang Side A tapos side B, kung may side C and D, gamitin na rin. Kung gamit na lahat ng side, manghiram na lang sa kadorm.



13. Wag na gumamit ng water heater, pakulo ka na lang sa takure at gumamit na lang ng tabo at timba, save as much as 50% sa electric bills.


14. Kung medyo mainit sa dorm at gusto mo magpalamig, mag stay muna ng extra time sa air-conditioned places sa school, ex. library. Hintayin mo na lang gumabi, para di na ganun kainit kauwi mo.


15. Kung nagboblowdryer ka (ung mga kasama ko sa dorm naggaganito sila), try to reconsider the electricfan as an option, di pa mainit ang hangin na lumalabas.


16. Magluto sa bahay kesa kumain sa labas. Kausapin ang mga kasamahan sa dorm kung anu ang gustong ulam at baunin na lang ito. Okaya, I suggest mag shabu shabu style kayo, bili na lang ng fis ball, kikiam, mais at kung anu anu pa, tapos lagyan ng shabu sahbu sauce, solve na!



9 comments:

  1. natawa ako dito ah kuya, nakakarelate ako kasi nakadorm eh :))

    ReplyDelete
  2. nice i love it! kahit ndi ako nagdodorm haha

    ReplyDelete
  3. haha! Bion - share ka din kung may alam ka pang iba.hehe

    RV- try mo na magdorm.haha

    ReplyDelete
  4. sige kuya, may inilagay ako sa blog ko kaso experiences yun eh :))

    ReplyDelete
  5. Galing! Ehehehe...

    Lumabas yung pagiging kapampangan mo sa no. 14... Dun sa word na "kauwi". Parang "kauli" lang... Ehehe...

    Galing talaga nito!

    ReplyDelete
  6. @Kurog haha.. ganun ba yun? tama lang naman ang kauwi ah. =)

    ReplyDelete
  7. haha. grabe ha. lalo na yung part sa nagbabayad ng tuition! haha. sinagad tlaga yung 64 thou. although nagchacharge nga ako sa school kapag nauubusan ng batterya. ayaw ko nang magdorm! haha. kahit mahirap magcommute. grabe yung tips! haha.

    ReplyDelete
  8. hahah! oo nga eh.. ang mahal mahal na ng tuition. kaya suportahan natin ang isang araw lang: takbo para sa kolehiyo!

    ReplyDelete

Let me know what you think. :)