20 December 2009

UST Quadricentennial Song

AKO'Y ISANG TOMASINO
by Gerardo M. de Leon
Vocal: Sam Velarde
Piano: Darryl Paloay


Verse 1
Nalagpasan mo ang mga pagsubok
Di mabilang na mga bagyo
Kahit ilang baha man ang danasin
Kasaysayan mo'y hindi kayang anurin

Verse 2
Ang 'yong sahig, dingding, mga pintuan
Saksi sa yong dakilang nakaraan
Tinamnan ng tama puso't isipan
Mga bayaning sa silong mo ay nanahan

Chorus
Nag-iisa ka lang
Pinagpalang Pamantasan
Apat na siglo nang nagtuturo
sa kabataan
Pagmamahal sa Diyos,
Karunungang may dangal
Ako'y nagagalak matawag na
Isang Tomasino!

Verse 3
Ang ngalan mo'y hindi nadudungisan
Ilan mang siglo pa ang magdaan
Dahil ika'y Kanyang iniingatan
Tunay kang binasbasang paaralan

Chorus
Nag-iisa ka lang
Pinagpalang Pamantasan
Apat na siglo nang nagtuturo
sa kabataan
Pagmamahal sa Diyos,
Karunungang may dangal
Ako'y nagagalak matawag na
Isang Tomasino!

Coda
Nagsisilbi sa kapwa
Naglilingkod sa bayan
Nagmamahal sa Diyos
May karunungan, may dangal
Ako'y nagagalak
Ako'y isang Tomasino!

No comments:

Post a Comment

Let me know what you think. :)